Patakaran sa Pagiging Pribado sa Opisina ng Controller ng Estado
Pinapahalagahan at pinangangalagaan ng Opisina ng Controller ng Estado (SCO) ang pagiging pribado ng publiko at naglalagay ng mga mahihigpit ng kontrol sa pangangalap at paggamit ng mga datos na personal na pakakakilanlan. Ang mga personal na impormasyon ay hindi ibubunyag, ipapakita, o kaya naman ay ipapagamit para sa mga layuning maliban sa mga tinukoy sa panahon ng pangangalap, maliban kung kayo ay may pagpapahintulot o awtorisado ng batas o alituntunin. Ang mga alalahanin sa pagiging pribado tinutukoy sa SCO ay ang mga sumusunod:
- Mangangalap ang SCO ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pamamaraang naaayon sa batas. Ang anumang kasunod na paggamit ng impormasyon ay limitado sa mga hangaring alinsunod sa (mga) hangaring ibinigay sa panahon ng pangangalap Isinasaad ng batas ng California na ang ilang impormasyong isinumite o nakuha sa pamamagitan ninyo ay maaaring maging pampublikong rekord sa ilalim ng Public Records Act. Gayun pa man, may mga limitasyon na poprotekta sa inyong personal na impormasyon na maisama sa mga pampublikong rekord.
- Ang e-mail ay itinuturing na isang gamit sa komunikasyon; ang anumang data na inyong ipapadala sa pamamagitan ng e-mail ay hindi ligtas o na-encrypt ng SCO. Kung inyong sasagutan ang isang survey o magpapadala sa Departamento ng mensaheng e-mail, ang inyong e-mail address at ang mga impormasyong isinumite ay makokolekta at maaaring ibigay sa mga ibang ahensiya ng Estado upang mas mahusay kayong mapaglikuran sa inyong pangangailangan. Huwag magpadala ng anumang kumpidensiyal o personal na mga datos sa pamamagitan ng e-mail tulad ng inyong numero sa social security, account number, numero ng credit card, o iba pang mga data na maaaring mailagay sa alanganin.
- Tungkulin ninyong pangalagaan ang pagiging kumpidensiyal ng inyong user ID, password, at ang PIN. Kung inyong ibibigay ang inyong user ID, password, o PIN sa kahit kanino, maa-access nila ang inyong kumpidensiyal na impormasyon.
- Kung inyong titingnan ang impormasyon sa Web Site na ito, ang ilang mga di-kumpidensiyal na mga datos ay makokolekta, tulad ng oras at petsa ng pag-access at kung saan kayo pumunta sa panahon ng inyong pagbisita. Maaaring maglagay ang Web site at kasunod ay ipapanumbalik ang mga simpleng tekstong file na tinatawag ng “cookies” na tutukoy sa inyo at sa inyong computer sa aming Internet site. Ang mga cookies ay hindi nagtataglay ng mga personal o kumpidensiyal na mga impormasyon tungkol sa inyo ay magagamit lamang para masubaybayan ang aktibidad sa Web site na ito.
- Ang lahat ng mga personal na impormasyong isinumite sa SCO ay ligtas laban sa pagkawala, pagkapinsala, pagkabago, hindi awtorisadong pagkaka-access, o pagkabunyag na siyang ipinag-uutos ng batas ng pederal at ng California, at ang patakaran sa Manwal ng para sa Pangangasiwa ng Estado. Kinokontrol ng mga naaangkop na computer, network, at teknikal na seguridad ng Internet sa antas ng mga empleyado at departamento upang maiwasan ang hindi awtorisadong pagkaka-access sa mga impormasyong boluntaryong ibinigay ninyo. Ang ilan sa mga kontrol sa seguridad na ito ay ang mga: password at pagpapatunay sa pagkakakilanlan ng user, data encryption, mga kumpidensiyal ng mga pagpapadala, ligtas ng mga lugar ng pagtataguan at mga awdit ng pagsusubaybay. Ang mga empleyado ng SCO ay naturuan tungkol sa mga kinakailangan ng pagtrabaho nang may mga impormasyong kumpidensiyal at personal na pagkakakilanlan pati na rin ang mga ibubunga ng maling paggamit ng mga ito.
- Hindi ibinibenta o ipinamamahagi ng SCO ang inyong impormasyon sa anumang wala sa gobyerno na ikatlong partido nang wala ang inyong pagpapahintulot o awtorisasyon ng batas o alituntunin. Gagamitin lamang ng mga empleyado ng SCO ang mga personal na impormasyong isinumite ninyo sa kinakailangang-malaman na layunin upang makapagdulot ng mga impormasyon o serbisyo.
- Itatago o gagamitin lamang ng SCO ang mga personal na impormasyong isinumite ninyo sa oras lamang na ito ay kinakailangan. Ang mga impormasyong personal na pakakakilanlan ay sisirain sa pamamagitan ng paglilinis, magnetik na pagkontra ng signal o degaussing /pagbubura, pagpupunit sa mahahabang piraso at/o iba pang paraan ng awtorisadong pagsira ng mga kumpidensiyal na bagay kapag hindi na kinakailangan at upang maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access o paggamit ng mga datos. Karaniwang gawain sa kabuuan ng organisasyon ang regular na nakatakdang pag-archive, paglilinis, at maayos na pagbasura ng mga rekord at impormasyon.
- Ang mga impormasyon sa Web Site na ito ay isang pampublikong Domain at maaaring makopya at magamit na tulad ng ipinagpapahintulot ng batas, maliban sa mga litrato at opisyal na simbolo. Habang sinusubukan ng SCO ang pagpapanatili ng mataas na antas ng kawastuhan, hindi kami mananagot para sa mga kamalian o kakulangan na magaganap. Kung kayo ay bibisita sa anumang Web Site gamit ang isang link mula sa Web site ng SCO, sasailalim kayo sa patakaran at kondisyon sa pagiging pribado ng Web site na iyan. Hindi mananagot ang SCO para sa mga impormasyon o gawi na mapapansin ng mga ibang Web site na nagbibigay ng mga link sa pag-access mula sa Web site na ito.
Bilang isang pampublikong ahensiya, naiintindihan ng SCO ang kahalagahan ng pagpapanatili ng iyong pagiging pribado at gagawin ang lahat upang mapanatili ang inyong pagtitiwala at kumpiyensa tungkol sa pangongolekta at paggamit ng inyong personal na impormasyon.
Ang patakarang ito ay nabuo at pinapanatili alinsunod sa Information Practices Act ng 1977 (Title 1.8 [nagsisimula sa Section 1798] ng Part 4 ng Division 3 ng Civil Code), mga Section 11015.5 at 11019.9 ng Government Code.
Kung kayo ay may mga katanungan o alalahanin tungkol sa Patakarang ito, mangyaring kontakin ang Privacy Officer ng SCO:
Privacy OfficerState Controller’s Office
300 Capitol Mall, Suite 1850
Sacramento, CA 95814