Patakaran sa Paggamit

Basahin ang pahinang ito sa:
English | En Español (Spanish)中文 (Chinese)Tiếng Việt (Vietnamese)한국어 (Korean) | Հայերենով (Armenian)

Pagkakagamit / Pahina ng Tulong

Ang website ng Estado ng California ay naitatag sa pagsunod ng California Government Code 11135 (Kodigo ng Pamahalaan ng California Blg. 11135), na matatagpuan sa Seksyon D ng Kodigo ng Pamahalaan ng California. Ipinag-uutos ng Ang Kodigo 11135 na ang lahat ng elektronik at impormasyong pangteknolohiya na nalikha o nabili ng Pamahalaan ng Estado ng California ay madaling makuha ng mga taong may kapansanan. May mga iba’t ibang uri ng pisikal na kapansanan na makakaapekto sa pagkikipag-ugnayan ng gumagamit sa web. Pagkawala ng paningin, pandinig, limitadong kakayahan sa paggalaw ng kamay, at mga cognitive disability ay mga halimbawa ng mga may iba’t-ibang kaparaanan upang maayos na makuha ang elektronik na impormasyon. Ang aming layunin ay makapagbigay na magandang karanasan sa web para sa lahat ng mga bisita.

Matatagpuan ninyo sa ibaba ang listahan ng mga ilang teknolohiyang solusyon na aming isinama sa aming website upang mas madaling magpalipat-lipat, mabilis na pag-load at madaling gamitin ang aming website. Upang mas mapadali pa ang paggamit at pagbasa ng site na ito, tulad ng pagpapalaki ng sukat ng letra, mangyaring pag-aralan kung paano sa seksyon sa ibaba i-customize ang iyong browser.

Mga Madaliang Link

Anong Nagpapadali ng Paggamit ng Aming Website?

I-angkop ang Inyong Browser Para Maibagay sa Inyong mga Pangangailangan

Baguhin ang laki ng font

Sa karamihan ng mga browser (halimbawa: Internet Explorer, Firefox, Netscape), maaari ninyong baguhin ang sukat ng font sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang sa ibaba:

Kung ang iyong browser ay gumagamit ng ibang pagpapangalan at hindi ninyo nakikita ang path nito, pakitignan ang Help menu sa inyong browser. Ang Help menu ay karaniwang nasa huling opsyon sa itaas na menu bar, at kadalasan itong mabubuksan sa pamamagitan ng pagpindot sa keys na "Alt" + "H".

Dagdag pa rito, ang mga mas bagong bersiyon ay may magnifying tool na nagbibigay kakayahan sa inyong ilapit ang isang pahina at palitawain ang lahat ng elemento sa 150 na porsiyento, 200 porsiyento, atbp. Hanapin ang magnifying tool na may “+” na karakter. Ang icon na ito ay karaniwang makikita sa ilalim ng iyong browser sa kanan, o sa itaas, sa ibaba ng karaniwang menu tools, sa kanan. Bukod dito, ang keyboard shortcut upang magamit ang tool na ito ay: "Ctrl" + "Shift" + "+" upang palakihin, at "Ctrl" + "Shift" + "-" upang paliitin.

Mga Shortcut

Mga Add-on

Pagbago ng CSS

Patuloy naming ina-update ang aming nilalaman at nagsusumikap na maging madali ang paggamit nito. Kung kayo ay may anumang mga katanungan o mungkahi, makipag-ugnayan sa aming Webmaster.

Hirap sa Pagkuha ng Materyal

Kung nahihirapang kayo sa pagkuha sa anumang materyal sa site na ito dahil sa isang kapansanan, makipag-ugnayan sa amin pamamagitan ng pagsulat at kami ay makikipagtulungan sa inyo upang makuha ninyo ang impormasyong inyong hinahanap. Maaari ninyong direktang ipadala ang inyong kahilingan sa aming Webmaster.